
Malugod po kayong inaanyayahan na dumalo sa Ika-10ng Pambansang BAKAS Seminar-Workshop ukol sa Historiograpiya at Agham Panlipunan na may temang “Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas.” Itinataguyod ito ng BAKAS, Inc. at Don Bosco Technical Institute, Makati sa pakikipag-ugnay sa DepEd, Ched, NCHP at NCCA. Gaganapin ito sa Joy Center, Don Bosco Technical Institute, Makati mula Abril 18-21, 2012 at dadaluhan ng mga guro at mananaliksik sa agham panlipunan, mula sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong edukasyon sa buong bansa.
Para sa mga liham ng paanyaya (para sa mga Administrador at mga kasapi ng BAKAS); reply slips (Ingles at P/Filipino); programa; DepEd advisory at Ched memo; mga detalye kaugnay ng pagpapatala; mapa ng lokasyon ng Don Bosco Technical Institute, Makati at iba pang impormasyon, pakitingnan lamang ang mga kalakip.