 | zasalazar wrote on Mar 30, '08, edited on Mar 30, '08 May pagwawasto ako kaugnay ng kahulugan ng "kata" sa Tagalog -- i.e., bukod sa nakasulat sa kuwadro/islayd blg. 15, "tayong dalawa" o "nating dalawa" ang ibig sabihin din ng "kata". Tulad ng binabanggit din sa parehong konteksto, katumbas ng Tag. "kata" ang "taka" ng Bikol at Bisaya (Sugbuhanon) sa pakahulugang "ko ... ikaw" (cf. Tag. "kita" = "bubuntalin kita"; "hahalikan kita"), Seb: "suportado taka" (Tag. "suportado ko ikaw" o "suportado kita"), Bik. "balatuhan taka"/"gapuon taka" (Tag. "babalatuhan kita"/"babatuhin kita"). KUNG KAYA'T SA KUWADRO/ISLAYD BLG.37 (III. Ang Tula at ang Salin ko Nito),
SA HALIP ng salin ng
INA BISA KATA bilang
Ina, ikaw ang aking bisa
GANITO ANG IPINAPALAGAY KONG MAS NARARAPAT NA SALIN:
INA BISA KATA Ina, ang bisa (talaga) nating dalawa
O KAYA:
Ina, ang bisa (nga pala) nating dalawa/ Ina, kay bisa nating dalawa.
MAS MALAPIT sa "suwerte" ang kahulugan ng "bisa" sa kontekstong ito. Kung ganyan ang salin sa unang taludtod, mas may kabuuan ang tula. SAMAKATUWID, GANITO MAISASALIN ANG BUONG TULA:
INA BISA KATA Ina, kay bisa nating dalawa GUNA KITA PAYABA Dumalaga nating alaga DULAY SAYA KAKA-I Banga'y kanyang nasipa DADA YA NI MANUGI Si M/manugi ang may dala KITA SANA MABASA(g) Magbabasa(g) tayo sana BAGA KI BUNGA Di nga ba, ng bunga.
Lumilitaw na mas klaro ang salaysay ng pagkasumpong ng/ni Manugi sa dalawang magsing-irog (na naghahanda na sana ng kanilang nganga) dahil sa ang dumalagang alaga ng dalawa ay nagitla at nasipa ang dulay (banga) ng/ni Manugi. May kapilyuhan, ngunit romantiko ang tula.Siguro naging palagiang paksa ng biruan ng dalawang magsing-irog ang nangyari sa may tugian, kung kaya't ito na nga rin ang tinukoy ng asawa nang inukit niya ang tula sa abaga ng palayok ng Calatagan. ZAS
|
 | zasalazar wrote on Mar 30, '08, edited on Mar 30, '08 Ihiwalay natin ang salin sa Tagalog/P/filipino:
INA, KAY BISA NATING DALAWA DUMALAGA NATING ALAGA BANGA'Y KANYANG NASIPA SI MANUGI ANG MAY DALA* MAGBABASA(g) TAYO SANA DI NGA BA, NG BUNGA.
ZAS
*Sa katunayan, tulad ng makikita sa "Sayaw sa Banga" ng Kalinga (kuwadro/islayd 54) o sa postkard kung saan matutunghayan ang dalawang mang-iigib ng tubig ng dekada 40 ng ika-20ng dt.(cf. kuwadro/islayd blg. 61), "SUNONG " (pagdala ng isang bagay sa ulo o nakapatong sa ulo) ang tumpak na kataga rito, sa halip ng simpleng "DALA"; ngunit tila mas angkop ito hindi lamang dahil sa katumbas nga ito ng "DADA" ng inskripsyon kundi alang-alang din sa tugma. Gayumpaman, dapat alalahanin na sunong ng manugi ang dulay/banga habang naglalakad patungo sa mapagkukunan ng tugi.Sa Bikol tinatawag din ang "tugi" na "kamiging"; sa Tagalog, "tungo". Sa Iloko, "tugi" at "boga"; sa Ibanag, "aneg" at "luttu"; at sa Ivatan, "dukai". |
 | PANIBAGONG PAGWAWASTO (cf. Kuwadro/Islayd Blg. 51: TALAHULI):
Ang Tala Blg. 4 ay dapat ganito ang pagkasulat:
Horrocks, Mark at Patrick D. Nunn, "Evidence for introduced taro (Colocasia esculenta) and lesser yam (Dioscorea esculenta) in Lapita-era (c. 3050 - 2500) cal. yr BP) deposits from Bourewa, southwest Viti Levu Island, Fiji," Journal of Archaeological Science 34 (2007) 739 - 748. |
 | Ay ito pala yung sinasabi ni Dr ZAS kanina na damit ng mga Bagobo...hehe |
Comment deleted at the request of the author.
 | zasalazar wrote on Oct 4, '08, edited on Dec 5, '08 Nasisiyahan ako na noong Miyerkules, Oktubre a uno 2008, ayon sa panayam ni Bomen sa "face off" nilang dalawa ni Dr. med. Oropilla sa Pulungang Recto ng Bulwagang Rizal sa U.P. Diliman (alas 2 hanggang alas 5 ng hapon), dalawa na lang na silaba ang hindi niya na dedecipher -- yung "da" at "la" ng aking nabasang "dula[y]" sa ikatlong linya ng tula, at siyempre yung "da" rin sa aking nabasang "dada" [Bikol: dara = Tag. dala] sa ikaapat.
May ilang punto ang nagpapakita na tama ang pagkadecipher ni Dr. Guillermo at malamang na hindi tama ang kay Dr. med. Oropilla. Una, tungkol sa direksyon ng pagbasa sa iskrip ng Calatagan: mula sa kanan patungong kaliwa, ayon kay Bomen; at mula kaliwa tungong kanan para kay Dr. med. Oropilla. TAMA SI BOMEN, SA PALAGAY KO, DAHIL SA: 1) KAHIT ANONG DIREKSYON AY TAMA SA PAGSUSULAT NG SINAUNANG PILIPINO, DEPENDE SA KANYANG PARTIKULAR NA KULTURA, SA KANYANG SARILING HILIG O KAYA GAWI (HALIMBAWA KUNG KALIWETE SIYA O HINDI) AT SA PINAGSUSULATANG BAGAY; 2) SA KASO NG BANGA MISMO, NABANGGIT KO SA SAMPAKSAAN NA BANDANG KALIWA NG ABAGA NG BANGA MAKIKITA ANG SIMBOLONG NAISIP NI DR. POTET NA ISANG "PANTAPOS" NGUNIT SA PALAGAY KO AY ANG ULO NG SIMBOLO NG AHAS NA PUMAPAIKOT SA ABAGA MULA DOON MISMO SA NASABING "PANTAPOS" AT BINUBUO NG MGA SILABA [medyo sumubra ng kaunti patungo sa ulo yung silang pagsisimulan ng mga silabang pababa; itong mga huling silabang ito pababa ang nagpapatunay na hindi maaaring magmula sa kaliwa patungong kanan ang pagsusulat, DAHIL SA: 1) TILA BALINTUNA NA MAGSIMULA ANG INSKRIPSYON NG GANYAN (i.e., mula sa ibaba papaitas) BAGO KUMANAN SA ABAGA AT UMIKOT DITO NANG PALIIT NANG PALIIT HANGGANG SA "ULO" NA MAY ANYO RING PARANG AHAS; 2) KAHIT GANITO NGA ANG DIREKSYON (i.e., mula sa ibaba patungo sa itaas papaikot at pakanan sa abaga) WALANG PAGKATULUY-TULOY SA PAG-IKOT NG INSKRIPSYON PAG-ABOT NITO SA ABAGA (may putol doon}.
Tungkol naman pagkadecipher ni Oropilla, bukod sa pagkabalintuna ng ipinapalagay niyang direksyon ng inskripsyon mula kaliwa patungong kanan, ganito ang ilang preliminaryong puna: 1) MAY PAGKABALINTUNA RIN ANG PANGYAYARING PANGGASINENSE DI-UMANO ANG WIKA NG INSKRIPSYON GAYONG a) lahat ng mga nagamit na dokumento ni Oropilla upang mapatunayan ang kanyang pagkadecipher ay hindi mula sa kalinangang Panggalatok kundi karamihan ay mula sa kalinangang Tagalog at sa ibang silabaryong Pilipino (karamihan Tagalog) at b) walang nakarating sa ating silabaryong Panggasinense -- ibig sabihin, papaano natutong magsulat ang Panggasineseng nagsulat ng inskripsyon sa banga ng Calatagan sa Panggasinense NGUNIT SA SILABARYONG TAGALOG o Pilipino na wala sa Panggasinan (napunta ang isang Tagalog o Bikol o Kapampangan sa Panggasinan at natuto ng Panggasinense upang sulatin ang inskripsyon? o kaya pumunta ang isang Panggalatok sa Batangas at doon natuto ng silabaryong Tagalog at ginamit ito ng kanyang inskripsyon?; 2) may kalayuan ang Panggasinan sa Batangas kung saan natuklasan ang banga ng Calatagan; mahirap yata ipaliwanag ang distansya, kakailanganin ang isang mahabang istorya; 3) nakapook ang banga sa Calatagan sa rehiyong Batangas-Laguna, kung saan ang simbolismo ng mga bangang panritwal at panlibingan ay lumilinaw na ang mga kahulugan, tulad halimbawa ng kontrast sa pagitan at pagkakaugnay ng simbolo ng Araw (o Ibon) at ng Ahas (cf. ang disertasyon ni Dr. Grace Barretto-Tesoro at ang akin ding Liktao at Epiko); 4) walang makikitang salaysay sa inskripsyon (ayon sa pagkabasa at pagkasalin ni Dr. med. Oropilla) liban sa di-umano'y pahayag na may alay sa loob nito (alam naman ng lahat na lahat ng banga ay alay na, bilang banga per se, at kadalasan ay may nilalaman, mga nilalaman namang alam ng lahat kung anu-ano ang mga ito (limitado ang dami ng mga bagay na maaaring ialay sa patay dahil nga sa may simboliko -- panrelihiyon man o personal -- na kahalagahan ang mga ito: halimbawa, hindi ka nag-aalay ng siopao, liban siguro kung paborito ito ng yumao; 5) walang pangkalinangang elemento sa pagkabasa at salin ni Dr. med. Oropilla ng inskripsyon na maaaring mag-ugnay nito sa kalinangang Pilipino (cf. "bunga", "tugi" at "guna" (dumalaga) sa aking pagkabasa at salin), liban sa ideya ng "alay" na implisito na sa mismong banga at napakapangkalahatan at unibersal pa nga (lahat ng isinasama sa libingan sa lahat ng libingan sa buong daigdig ay "alay"); 6) WALA AKONG ALAM NA TRADISYONG PAMPALAYOK AT ARKEOLOHIKAL NA PANGGALATOK NA MAIUUGNAY SA BANGA NG CALATAGAN -- ibig sabihin, mahirap ipook ang bangang ito sa Pangasinan bilang eryang pangkalinangan sa arkeolohiya; at 7) WALANG KATUTURAN ANG PAG-UUGNAY NG MGA SULAT NA PINOY SA BENGAL; BAGO GAWIN ANG GANITONG PAGHAHAMBING, KAILANGAN MUNANG PAGHAMBINGIN ANG MGA SULAT SA INDO-MALAYSIA (PARTIKULAR, YUNG MULA SA SUMATERA AT KALIMANTAN AT PILIPINAS) AT ITO AY SERSYOSONG GAWAIN NA HINDI NA KAILANGAN ISAMA SA PAG-AARAL NG BANGA NG CALATAGAN, laluna kung amateur lamang ang nagsasagawa.
Babalikan ko pa ang obra ni Dr. med. Oropilla sa darating na panahon kapag nakahagilap na ako ng isang kopya ng kanyang coffee table book at kapag magkaroon ako ng panahon upang seryoso itong suriin. zas |
 | zasalazar wrote on Oct 9, '08, edited on Oct 11, '08  Ito siguro ang dapat munang punahin sa libro ni Dr. med. Oropilla: SA IKAAPAT NA "FRAME" MULA SA KANAN PATUNGONG KALIWA, IYONG PANGALAWANG SULAT-PANTIG (SILABA) AY MALI ANG PAGKAKOPYA. HINDI ITO "MA" KUNDI KATULAD ITO NG UNA SA "FRAME" DING IYON -- i.e., ang nadecipher ni Bomen na "DA" (at ni Dr. med. Oropilla na "YA"). SIGURO NAGMAMADALI SI DR. MED. OROPILLA. SAMAKATUWID, SA TINATAWAG NI DR. MED. OROPILLA NA "GROUP II SCRIPTS" AY WALANG "MA", KUNG KAYAT SA KANYANG TRANSKRIPSYON AY WALA RING "MAGYAT" (suddenly). Tila kinusa ni Dr. med. Oropilla ang pagkakamali. Ginusto niyang magkaroon ng "ma", kaya minali niya ang pagkopya?
Isa pang patikim, hindi "ULAN" kundi "URAN" at hindi rin "NGALAN" kundi "NGARAN" sa Panggasinense ang Tagalog na "ulan" at "(pa)ngalan". Kumparatibong lingguwistika ang pinag-uusapan dito, bagay na hindi maaaring baguhin sa pamamagitan ng imahinasyon o lokal na nasyonalismo lamang. ABANGAN ANG MGA SUSUNOD. ZAS |
 | zasalazar wrote on Oct 9, '08, edited on Oct 11, '08 PAKITINGNAN ANG KOMENT KO SA SUPPLEMENT 02. Mali ang ikalawang sulat-pantig (sulat-silaba) sa ikaapat na "frame" mulang kanan patungong kaliwa. Hindi ito "MA" kundi pareho ito sa nauuna ritong sulat-pantig -- i.e., ang unang nadecipher ni Bomen bilang "DA". Samakatuwid, kung walang "MA", wala ring "magyat" (suddenly) sa pagkasalin ni Dr. med. Oropilla ng kanyang transkripsyon ng tinagurian niyang "Group II Scripts."
Intensyunal ba pagkakamali ni Dr. med. Oropilla para mabuo niya ang diagnosis ng di-umano'y "sakit" na gustong gamutin ng "shaman"? May kaunti ba ritong Shamanismo na ipinakikita si Dr. med. Oropilla? [Siya nga pala, walang "shaman" sa Pangasinan; ngunit may mga katumbas noon ng "babaylan" o "baylan"/"balian" sa ibang lugar; hanggang ngayon, may matatagpuan pa sa mga Ilokanong bahagi ng Panggasinan na mga "baglan"; mga babae ito bagamat may ilan ding lalaki (cf. ang aking "Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas, 1999, partikular ang tala 1); baka isa ngang baglan ang dumalaw kay Dr. med. Oropilla sa kanyang panaginip, hindi nga lang niya naunawaan ang ibinabahagi sa kanyang kaalaman dahil hindi pa marunong mag-Ingles.] Ang mga dating baglan ng Pangasinan ay naging mga "faith healers" ngayon hindi lamang sa Pangasinan kundi sa mismong kabundukan. Kung ganito ang tinutungo ng iskolarsip ni Dr. med. Oropilla, maaaring di siya nalalayo sa ispiritismo ng dakilang iskultor na si Tolentino. Mayroon pang dalawang pagkakamali na binanggit ko roon [na hindi dapat gawin ng isang Panggasinenseng tunay, liban kung binabaliktad niya ang katotohanang panglingguwistika para makapasok ang nabaligtad sa kanyang teorya -- "uran" at hindi "ulan" sa Panggalatok ang "ulan" ng Tagalog; gayundin, "ngaran" at hindi "ngalan" sa Panggasinense ang "(pa)ngalan" ng Tagalog. Linguistic correspondence law ang pinag-uusapan dito na hindi maaaring baliin, ayusin sa pamamagitan ng ehersisyo o operahan kahit na marunong mag-opera ang doktor. Abangan ang iba pang mga detalye ng ating analisis. Preliminaryo lang ito. zas |
 | zasalazar wrote on Oct 10, '08, edited on Oct 11, '08 ISANG TALA TUNGKOL SA PAGKADECIPHER NI DR. MED. OROPILLA NG SIMBOLO NG CALATAGAN NA DI-UMANO'Y "RA". WALA ITONG NI KATITING NA BATAYAN DAHIL SA KANYANG TALAHANAYAN MISMO SA PAH. 42, TINATANGGAP NIYANG WALA ITONG KATUMBAS DI-UMANO SA doctrina christiana, ni sa mga "modernong iskrip" ng Mangyan at Tagbanua.
Sa kaso ng Tagalog ng Doctrina, simple ang dahilan: ang "r" at "d" ay allophones ng isang phoneme na mairerepresenta ng "DA" (yun ding sulat-pantig sa Doctrina) [sa ilang wikain ng Tag. maririnig kapwa ang "r" at "d" sa simula ng kataga (cf. halimbawa "ramdam" o "damdam") ngunit sa pagitan ng dalawang patinig ang "d" ay maririnig na "r" (cf. "dangal" = "karangalan"; "dagat" = "karagatan"); at kahit na sa huli ay maririnig ang "r" o "d" sa "sawimpalar" o "sawimpalad". Samakatuwid, ang "r" ay dapat hanapin sa "d" bilang iskrip.
ISANG KAHAWIG NA PENOMENO ANG MAKIKITA SA MANGYAN, KUNG SAAN MGA allophones ang "r" at "l" ng iisang phoneme L/R (cf. pah. 19, hal., sa mismong coffee table booik ni Dr. med. Oropilla). SA UNANG TINGIN, gamit ang Doctrina, mas maiuugnay ang "RA" ni Dr. med. Oropilla sa "HA" nito (cf. "ha la" at "hu wag", pah.7). Ito siguro ang isang dahilan kung bakit iniugnay ni Dr. Francisco ang "RA" ni Dr. med. Oropilla sa "HA" ng baybaying Tagalog.
MAGKAGAYUNMAN, WALA TALAGANG BATAYAN, ayon mismo sa ipinangangalandakang metodo ni Dr. med. Oropilla, ANG KANYANG PAGKATUKOY SA SULAT-PANTIG BILANG DI-UMANO'Y "RA". Sa pagkadecipher naman ni Bomen, ang simbolo di-umano'y mababasang "PA" (cf. "pa ya ba"). [Siyempre, sa ngayon, ito ang basang kinikilingan ko. Ngunit maaari nga bang basahin ang kataga na "hayaba" o "rayaba"? Tulad ng naipahiwatig, imposible itong huli.]
ANG ISA PANG WALANG BATAYANG PAGKADECIPHER NI DR. MED. OROPILLA AY ANG KANYANG DI-UMANO'Y "A". HINDI NAKAKAKUMBINSI, LIBAN SIGURO SA KANYANG SARILI, ANG KANYANG PAGKAHANAY (cf. pah. 42) NG SIMBOLONG NABANGGIT [na para kay Dr. Potet ay "pantapos" na simbolo -- i.e., walang "tunog"; at para sa akin ay maaaring isang simbolong "ahas" bilang panimula ng buong sulat mula kanan patungong kaliwa bilang AHAS na nagtatapos sa isang buntot sa hulihan] SA MGA SAGISAG NA IPINAPALAGAY NIYANG KATUMBAS mula sa Doctrina, sa "modernong Mangyan" at "modernong Tagbanua" . HINDI RIN NAKAKAKUMBINSI (i.e., puwersado) ANG KANYANG PAGHAHANAY NG DI-UMANO'Y "DA" AT "SA" (sa katunayan, tila mas mapag-uugnay ang pinaikot na "SA" ng Calatagan at ang "DA" ng Doctrina). Puwersado rin ang hanay ng "NGA" at "YA" -- upang matanggap ang ispekulasyon ni Dr. med. Oropilla, lubos na kailangan ang paniniwala ng isang shaman ng Siberia (o, mas naaangkop sa etnograpiya, ng baglan ng Pangasinan); hindi talaga ito mapauunlakan ng lohika at ng walang pagkiling na pagmamasid ng isang siyentipiko, laluna ng isang siyentipiko ng agham panlipunan.
SA PAREHONG TALAHANAYAN (pah. 42) BAKA SIGURO MAPAG-UUSAPAN PA ANG HANAY NG IPINAPALAGAY NI DR. MED. OROPILLA NA "WA" SA ISKRIP NG CALATAGAN. [Lamang, ang ibig sabihin ni Dr. med. Oropi8lla ng "evolvement" ay "evolution" -- i.e., ang di-uman'y ebolusyon ng mga iskrip sa Banga ng Calatagan patungo sa mga iskrip ng Doctrin at ng iba pang mga iskrip na Pilipino. Ngunit, kahit dito o siguro laluna rito, obiter dictum lamang ang ipinangangalandakan ni Dr. med. Oropilla, hindi isang pagpapatunay batay sa datos at mahigpit na pangangatuwiran.] ZAS |
| |